Happy Birthday to the Octoberians: Remo, Bob, Vey and UU!

Wednesday, October 13, 2010

Letter from fg to Bob when Bob was just about to turn 7:

I’ve been using this product for 6 months now and it’s totally eliminated all menopausal symtoms. Buy levitra. Many rogue pharmacies are happy to bypass a doctor’s prescription in order to win your business.

1 A.M., 2 OCT. 71

DEAR ANAK

ISIPIN MO NA LAMANG NA SA ARAW NG IKA-7 TAON MO NANG PAGSILANG AKO’Y KUMAKANTA AT MASAYA.  SA AKING PAG-IISA GINUGUNITA KO ANG MALIGAYA NATING PAGSASAMA, ANG PAGKARGA KO SA IYO NUONG IKA’Y BATANG GAYA NI BUCH, ANG PAGTULONG MO SA AKIN SA BRYN MAWR, ANG PAGSAKAY NATIN NG AEROPLANO, ANG PAMAMALENGKE NATIN, ANG MAPAGMAHAL MONG PAGHATID SA AKIN SA AIRPORT, ANG PAGSULAT MO SA AKIN, AT IBA PA.  SA KAARAWAN MO AKO’Y BIBILI NG CAKE AT 7-UP AT AKO’Y MAGSASAYANG MAG-ISA.  PAGPASENSIYAHAN MO ANG KAUNTI KONG PERANG IPINADALA SA IYO.  MAGTIPID AT MAG-IPON KA.  MAY KASABIHAN NA ANG ISANG MUNTING LANGGAM NA KUMAKAIN NANG KATAMTAMAN UPANG MAY MAITAGO PARA SA WINTER AY MAS MATALINO KAYSA TAO NA HINDI INIISIP ANG IBANG ARAW.  DADDY

And also a letter to Vey, turning 4:

1:45 A.M. 3 OCT 71

DEAR VEY,

SA LUNES ANAK IHUHULOG KO ANG BIRTHDAY CARD MO AT PADADALHAN KITA NG KAUNTING HALAGA UPANG MAKAPAGPABILI KA SA MAMMA MO NG REGALO. SA ARAW NG BIRTHDAY MO AKO’Y KAKANTA RIN NG HAPPY BIRTHDAY AT MARAHIL BIBILI AKO NG CAKE. SANA MALIGAYA KA ANAK.

NITONG APAT NA TAON KA NA, PANG-4 NA TAON NA RIN ANG IYONG ISIP: TUWID ANG SALITA AT MARAMING NALALAMAN. MABUHAY KA NANG PANG-4 NA TAON. MAGSAYA, MAGLARO, KUMAIN AT MATULOG NANG MAHUSAY, AT MAGARAL NANG BUMASA. HUWAG MONG PAGMADALIIN ANG BUHAY. HABANG BATA, MAGLARO. PAGLAKI MO NA KAGAYA NI MOMSETTE KAILANGAN KANG MAGTRABAHO UPANG MABUHAY.

INAASAHAN KONG KAHIT AKO’Y WALA RIYAN, IKA’Y MALIGAYA. AKO’Y NALULUNGKOT RIN SA PAGAALA-ALA SA INYO PERO KAILANGAN KONG MAPAGBUTI ANG KABUHAYAN NATIN.

NAGMAMAHAL,

DADDY`

[As for UU, he would only come 11 years later; and Remo, 26 years later, to Vey. -- epd]