To Dr. F.G. David, our beloved Psych 160 professor

Jul 13, ‘07 11:41 PM
for everyone

Kakalungkot to know Sir David has passed away yesterday, July 13, 2007. Ang hirap tanggapin but it’s true

Last ko siyang nakita mga June last year. Nakasalubong ko siyang naglalakad (as he always does) sa tapat ng UP Main Library at mukhang papasok na siya sa klase. Sabi ko sa kanya “Hi sir! ” Tapos ngumiti rin siya.

Nung nalaman kong siya yung nakuha kong professor for my neuropsych class e natakot ako. Bali-balita kasi na mahirap siyang magpa exam. Like kung magpa exam yung mga tanong is the ____ inside the ____ does this and secretes these ____ chemicals that controls the ____.Walang given choices yan ha.Tapos meron pang make an essay of not less than 5 pages…kaya kelangnan mo talagang magbasa sa klase niya…Pero pumasa naman ako sa klase niya (Yehey!).

Pinaka natatandaan kong moment was when he asked if anybody in his class could define LOVE without using metaphors at bibigyan na niya ng grade na 1. No exams and no attendance 1 na kaagad.

May nag try pero nag try… Pero yung kanyang binigay na definition was the LOVE THOERY na dinidiscuss sa psychology… Tapos sabi niya “Love is something something (whatsoever beautiful ata yun) in the universe that arrests the something something to the object of its affection.” can’t remember much… Mas talo nga ata ako sa memory capacity ni Sir David e.

And I remember one na nagkekwento siya na when he came from studying abroad (Harvard ba yun(?)). Bili daw siya ng maraming libro and all… kaya daw pag dating nila ng Pilipinas ni wala daw silang pambili ng pinggan ng wife niya…

Nung nasa UP pa ako e nakikita ko siyang naglalakad lamang papasok sa klase wearing his newspaper-boy cap. Parang lolong lolo talaga ang dating niya. Para ngang masarap siyang maging lolo. Parang ang dami mo talagang matututunan sa kanya. Mantakin mo naman no.. he knows the brain inside out… pero,magka gayun pa man, I feel that I am among sa mga pinalad na maging estudyante niya

Sir we are praying that you are already in the Almighty’s loving embrace… May your teachings live on and continue to inspire us…

trueasiatiktribe wrote on Jul 14, ‘07

:( kalungkot.

ladychin wrote on Jul 14, ‘07

Lam mo ba Professor Emeritus na ata level nun kasi dapat retired na sya pero nagtuturo pa rin sya ng neuropsych… Institution na nga yan sa psych dept