| Dec 15, ‘07 11:33 AM for everyone |
… Naisipan ko na din na buksan ang PC at mag internet saglit kasi baka may bago akong mail. Natingnan ko na ang Multiply at Friendster ko. Nakapagbasa na din ako sa Peyups.com. Nakapagsearch na din ako ng kung anu-anong mga bagay tungkol sa cupcakes na balak kong ipamigay ngayong Christmas, ng biglang naalala ko si FG. Oo si FG. Si FG ang demigod kong professor ng Psychology. Si FG, ang pinakamamahal kong teacher. SI FG na namatay na, noong Friday the 13th, July 13, 2007.
Naisipan ko siyang isearch at nagulat ako na madaming lumabas na match. May isang site na nakalaan para sa pag-alaala sa kanya. Binrowse ko. Binasa ang mga nakasulat. Tiningnan ang mga litarato. Nalungkot ako bigla. Binalutan ako ng alaala niya. Napaluha ako. Umandar na naman ang KaOAn ko.
Hindi ko akalain na napakalaki pala ng epekto ni FG sa akin. Pwede pala yun. Na kahit hindi mo siya nakasamang mag-lunch, hindi nakasabay magkape, hindi nakausap sa hallway ng mga bagong tsismis at kung anupaman, pwede palang magkaroon pa rin ng napakalaking epekto at halaga sa iyo ng isang tao. Ganon si FG sa akin.
Sa ilang beses ko siyang naging teacher, hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Isa pa rin siyang demigod, may kakaibang kapangyarihan. Sa klase nga, kapag nagsimula na siyang maglecture, kailangan paganahin mo ang bionic ears mo kasi sobrang hina na minsan ng boses niya. Pero walang naglakas ng loob na magreklamo. Haler, si FG yan. Pribilehiyo mo na na mapasama sa klase niya.
Alisto din kami palagi sa mga words of wisdom niya. Ang notebook ko, may page para sa lecture, may page para sa quotable quotes niya. Habang sinusulat ko nga to ngayon parang may nakabara sa lalamunan ko, gusto kong umiyak. Parang OA pero pag ikaw ang nasa kalagayan ko na nakaranas na maging isang estudyante niya, hindi mo na iisipin na OA ako. Ewan ko din.
Basta, FG, katulad ng sinulat ko sa notebook of memories nong burol mo, na talagang dinayo ko pa kasama ng mga blockmates at super friends kong si Jen at Han, isa kang alamat.
Sobra kang namimiss. Sobra kitang namimiss.
Kahit hindi ako nakapasok sa cubicle mo kasi ayaw mo naman talagang magpapasok, kahit sobrang hirap ng exam mo, kaht nagiging 4-hr ang 3-hr class natin, kahit ang tagal mo magbalik ng result ng exam, kahit hindi ka man lang umabsent sa klase kahit isang beses, kahit napahiya ako dati kasi hindi ko masagot ang tanong mo kung ano ang etymology ng word adrenal, kahit napahiya uli ako sa klase kasi with conviction kong isinagot na nasa brain ang pituitary gland e ang gusto mo palang malaman ay ay ang exact location nito, sobra kitang mahal.
Kahit sa ganitong paraan man lang maipakilala kita sa mga tao, isang pagsusukli sa walang katumbas na kaalamang natutunan ko sa yo.
Sir, sana ok ka lang…