bryn on September 27th, 2007

Si Sir Fredegusto David..

Prof sa Psych na pilit kong iniwasang maging prof nung college. Marami kasing tsismis na mahirap ang klase nya. Kaya kahit na may pagkakataon, hindi ko pinili ang mga klase nya.

Pero kahit na di ko sya naging prof, mataas ang tingin ko sa kanya. Sya ang unang presidente ng org ko. 1950s pa yun. Sya rin ang Chair ng Department of Psychology sa UP nung freshman ako.

Bukod sa mga posisyong hinawakan nya, mataas ang tingin ko sa kanya dahil sa kung sino sya. Nakakatuwang isipin na lagi syang nakangiti tuwing nagkakasalubong kami sa UP. Parang hindi ko pa sya nakitang nakasimangot.

Sabi ng mga kaibigan ko, nakakatuwa ang mga lessons in life ni Sir David tuwing magle-lecture sya. Isa pa nga sa kanila ay pwede na raw magpublish ng librong “Life” by FG David. Sana pala ituloy nya ang publish nun. Isa siguro ako sa mga unang bibili.

Sa araw na ito, July 13, 2007, namayapa na si Sir David. Di ko man lang naramdaman na nang masulyapan ko syang naglalakad sa Katipunan noong isang linggo e yun na pala ang huling pagkakataong makikita ko sya. Sana pala bumaba na ako sa jeep para lang kumustahin sya.

Di na nya maririnig. Di na rin nya mababasa. Pero patuloy akong nagpapasalamat sa Diyos na nakakilala ako ng isang taong katulad ni Sir David.

http://alluringalice.multiply.com/journal/item/11/Sir_FG_David

2 Responses to “Sir FG David”

  1. salamat po sa pagpost ng blog ko about Sir David! ngayon ko lng po nakita itong site at salamat sa nakaisip na gumawa ng site for Sir David.

    A truly great and admirable man. Lived his life to the fullest.

  2. salamat rin po sa pagbo-blog sa aming dad. every kind word written, every anecdote shared of him help us in these difficult times.